JUNE 15, 2020 Muling Pagbubukas ng PCSO? -Lotto Outlets Business Reopening Schedule
June 15, 2020 nga ba ang official PCSO lotto resumption of operation sa buong bansa?
Every Filipino lotto players in the Philippines are asking the question, "Kelan ba talaga muling magbubukas ang PCSO outlets?". Maraming mga posts sa social media ang patungkol dito at kalimitan ay panawagan at hiling sa Philippine lotto office na muling buksan na at magresume na ang operasyon dahil ang pangkalahatang estado ng bansa ay halos Modified General Community Quarantine (MGCQ) protocol na ang pinapatupad sa bansa.
Isa na siguro sa pinakainaabangan ang PCSO outlet resumption of operation sa Small Town lotto games, EZ2, Swertres at maging ang major lotto games tulad ng 6/42 down to ultra lotto 6/58. Marahil sa ang mga tao na tulad rin namin dito sa lottodrawresult.com ay gustong magbakasaling manalo ng instant jackpot prizes mula sa ahensya ng official lotto gaming company sa Pilipinas.
Pero hanggang sa ngayon ay nanatili pa rin itong katanungan. Walang malinawag na direksyon kung kelan ba talaga ang muling schedule. Narinig namin noong nakaraang linggo na magbubukas daw ngayong Lunes, June 15, 2020 pero wala pa ring official declaration ang nanggaling sa ahensya.
Napag alaman namin na nakadepende pala ang lahat sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kung ano ba dapat ang guidelines para madesisyonan ang naturang operasyon ng PCSO. Kung ganun, nakasalalay ngayon lahat sa IATF kung bubuksan na nga ba ang nationwide STL and lotto games sa bansa.
Sa sitwasyon ngayon, siguro napapanahon na tayo ay magtulong tulong para manawagan kay President Rodrigo Durterte na ibalik na ang operation ng Philippine Charity Sweepstakes dahil naghihingalo na rin tayo sa paghahanap ng paraan na kumita. Baka sa lotto ang swerte natin at dito tayo aahon sa lugmok na sitwasyon natin ngayon.
Sana mapakinggan ang hiling natin ng maagang pagbubukas ng PCSO outlets para makapaglaro na tayo at magkaroon ng chance na maging milyonaryo.
Ikaw ba kabayan? Naghihintay ka na rin ba sa muling pagbukas ng lotto outlets sa inyong bayan? Kung ang sagot mo ay OO, i-share natin ang post na ito para naman kumalat at makarating sa kinauukulan.
Maraming salamat po at pagpalain po tayong lahat!